Posts

Showing posts from December, 2018

Paano nga ba magumpisa magaral ng gitara?

Sa mga gustong matutong maggitara, ito ang katanungan na madalas mahirap hanapan ng kasagutan.. Ngunit, paano nga ba magumpisa? Maraming mga bagay ang dapat isaalang-alang bago magumpisa magaral ng gitara bagamat hindi ito limitado sa aking babanggitin sa ibaba. Tandaan ang mga bagay na ito ay hindi lang ang natatanging paraan, marami pang mga bagay ang pwedeng ikunsidera depende sa tao at personalidad ng magaaral ng gitara. Ito na ang aking listahan at mga katanungan na  sanay magsisilbing gabay sa mga Pilipino na nais magaral ng gitara ngunit hindi alam kung papano magsisimula. 1. Bakit ka nga ba magaaral ng gitara? Ito ang katanungan na dapat meron ka ng kasagutan. Kung wala naman, pwede mo pang pagisipan. Iba-iba ang bawat isa ng dahilan kung bakit gustong magaral ng gitara. 'Yong iba gustong maglibang, pampalipas oras, para kumita, gustong bumuo ng sariling banda, merong din ibang para lang magyabang :) at marami pang iba. Kung wala sa nabangit ang iyong dahilan, okay...